Ang ilan ba sa mga pahayag na ito ay katugma ng sitwasyon mo?
Kalagayan sa trabaho at pamumuhay
- Wala kang kontrata o pinilit kang pumirma ng kontrata.
- Ang kontratang pinirmahan mo ay nasa wikang hindi mo maintindihan.
- Ang suweldong natatanggap mo ay hindi katulad ng sinabi sa iyo na matatanggap mo kapag tinanggap mo ang alok na trabaho.
- Inaasahan kang magtrabaho nang mahabang oras na lampas sa nakasaad sa kontrata.
- Nagtatrabaho ka sa mga sitwasyong masama sa kalusugan o mapanganib.
- Hindi ka nakatatanggap ng suweldo o napakababa ng suweldo mo.
- Malaking bahagi ng suweldo mo ang ibinabalik mo sa iyong employer o kinakaltas sa iyong paycheck.
- Hindi mabuti ang kalagayan tinitirhan mo (walang privacy, marumi ang paligid, sa lugar na pinagtatrabahuhan mo, atbp.).
Mga Banta
- Pinagbabantaaan ka ng employer mo na tatanggalin ka sa trabaho nang walang bayad o isusumbong ka sa mga awtoridad kung magrereklamo ka tungkol sa kalagayan mo sa trabaho, o kung kokontak ka ng trade union (unyon ng mga manggagawa) tulad ng 3F.
- Ikaw o ang pamilya mo ay pinagbabantaan ng iyong employer o ng kanilang mga kasamahan.
- Sinabihan kang may malaki kang utang sa taong nagpasok sa iyo sa trabaho (halimbawa, para sa paghahanda sa biyahe).
- Natatakot ka sa mga banta, karahasan, o iba pang mangyayari kung hindi ka magbabayad.
Limitasyon sa pagkilos
- Pinipilit ng employer mo o ng mga kinatawan niya na sila ang dapat magsalita para sa iyo kapag halimbawa ay nakikipag-usap sa mga awtoridad at/o mga bangko.
- Sinusubaybayan ka, halimbawa sa pamamagitan ng GPS sa iyong telepono o sa pamamagitan ng mga kamera sa mga lugar na pinagtatrabahuhan o tinitirhan mo.
- Hindi ka pinapayagang pumunta sa doktor o ospital kung may karamdaman o sakit ka.
- Kinuha mula sa iyo ang mga dokumento ng iyong pagkakakilanlan.
- Wala kang kontrol sa NemID o MitID mo.
Kung ilan sa mga sitwasyong ito ay tumutugma sa iyo, maaaring biktima ka ng human trafficking.
Kung biktima ka ng human trafficking, maaari ka naming alukin ng:
- Proteksiyon at pansamantalang matutuluyan
- Medikal na tulong
- Psychological na suporta
- Legal na tulong
- Tulong sa pagkontak sa iyong pamilya o mga organisasyon sa iyong pinagmulang bansa o bansang tinitirhan
- Tulong na makabalik sa iyong pinagmulang bansa o bansang tinitirhan, kasama ang pinansiyal na suporta sa loob ng anim na buwan matapos ang iyong pagbabalik
- Ang non-EU citizens ay may karapatang manatili sa Denmark nang hanggang 120 araw upang makapaghanda sa kanilang pagbabalik at makapagpasya kung nais nilang makipagtulungan sa mga awtoridad.